Lalaki patay matapos umanong manlaban sa buy bust operation sa Naga City

By Angellic Jordan August 28, 2019 - 10:25 PM

Nasawi ang isang lalaki makaraang manlaban sa mga otoridad sa Naga City, Camarines Sur Miyerkules ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Naga City police, isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Cararayan bandang alas 5:00 ng madaling araw.

Napatay ang suspek na si Marlon Gonzaga matapos umanong makipagbarilan sa mga otoridad kahit ayon sa pulisya, hindi ito ang target sa operasyon.

Sinabi ng pulisya na naaresto pa rin naman ang target na may-ari ng bahay na sinalakay ng mga otoridad.

Nakuha sa suspek ang ilegal na droga na ibinenta sa operasyon na nagkakahalaga ng P20,000.

Maliban dito, nasamsam din ang dalawang plastic ng kontrabando na nagkakahalaga naman ng mahigit P1 milyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: buy bust operation, camarines sur, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, hindi target, Lalaki patay, naga city, nanlaban, buy bust operation, camarines sur, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, hindi target, Lalaki patay, naga city, nanlaban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.