Pahayag ni Duterte na talo ang Gilas sa Italy dapat magsilbing hamon ayon sa Malakanyang

By Chona Yu August 28, 2019 - 10:19 PM

Hindi dapat na masamain ng Gilas Pilipinas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatalo lamang ang koponan sa Italy sa FIBA World Cup na gaganapin sa China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na magsilbing hamon at inspirasyon ito sa Gilas para patunayan na mali ang akala ng pangulo.

Paliwanag ni Panelo, hindi pang-iinsulto ang ginawa ng pangulo dahil katunayan ay panonoorin niya ang laban ng Gilas.

Magtsi-cheer aniya ang pangulo para sa national basketball team.

Naniniwala si Panelo na kakayanin ng Gilas na talunin ang Italy at iba pang koponan na makakalaban sa FIBA World Cup.

Kasama ni Pangulong Duterte na manonood sa Gilas Pilipinas si Chinese Vice President Ang Qishan sa Guangzhou, China.

 

TAGS: 2019 Fiba World Cup, China, Chinese Vice President Ang Qishan, Gilas Pilipinas, hamon, insulto, italy, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, talo, 2019 Fiba World Cup, China, Chinese Vice President Ang Qishan, Gilas Pilipinas, hamon, insulto, italy, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, talo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.