2-child policy sa China, ipinagbisa na

By Kathleen Betina Aenlle January 02, 2016 - 12:16 AM

one-child-policySimula January 1, 2016, ang mga mag-asawa sa China ay pinapayagan na ng batas na magkaroon ng dalawang anak alinsunod sa bagong ‘two-child policy’.

Ito’y kasunod ng mga alalahaning naglabasan matapos nilang isabatas ang pag-aalis sa one-child policy ng China, dahil sa maari namang pagbilis ng paglobo ng populasyon sa bansa kung hindi ito lilimitahan.

Ang pagsasa-bisa ng nasabing batas ay inanunsyo na ng Communist Party noon pang buwan ng Oktubre.

Matatandaang noong nagdaang taon ng 2015 din inalis ang one-child policy dahil na rin sa tumatandang populasyon ng China, pati na rin ang malaking gender imbalances na parehong nagsanhi ng kakulangan sa manggagawa.

Bukod kasi sa batas na nasimulan noon pang 1970s na naglilimita sa dami ng anak ng mga mag-asawa sa China, namayagpag din ang selective abortion sa tuwing ang unang magiging anak ay babae dahil na rin sa matagal nang social preference sa mga lalaki.

Noon, kapag sumuway ang mag-asawa, magbabayad sila ng multa, at minsan pa ay umaabot sa sapilitang pagpapalaglag sa sanggol.

Tinatayang nasa tatlong milyong sanggol ang ipapanganak taun-taon sa susunod na limang taon dahil dito.

Gayunman, naniniwala ang ilang eksperto na huli na ito para masolusyunan ang problemang layong ibsan ng bagong batas na ito.

TAGS: china two child policy, china two child policy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.