Curriculum para sa advanced energy at green building technologies sa mga undergraduate at graduate levels, batas na

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na mag aatas sa Commission on Higher Education na isama na sa curriculo ang advanced energy at green building technologies para sa undergraduate at graduate levels.

Sa ilalim ng Republic Act 11393 o Advance Energy and Green Building Technologies Curriculum Act, tinutukoy nito ang advanced energy bilang paghahatid ng ligtas, mura at malinis na kuryente habang ang green building technologies naman ay patungkol sa mga proseso at teknolohiya ng pagtatayo ng mga gusali na environment-friendly.

Makatutuwang ng CHED ang Department of Energy, kukunin ang pondo sa Curriculum Development mula sa CHED at DOE.

August 22 pa nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas subalit ngayon lamang ipinamahagi sa media.

Magiging epektibo ang batas labing limang araw matapos mailathala sa official gazette at mga malalaking pahayagan na mayrong general circulation.

Read more...