Paglalagay ng neutral desk sa mga eskwelahan, batas na

By Chona Yu August 28, 2019 - 08:23 PM


Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na mag aatas sa lahat ng eskwelahan sa buong bansa na maglagay ng neutral desk.

Ito ay para matugunan ang mga left handed o mga kaliwite na mga estudyante.

Base sa Republic Act 11394 o Mandatory Provision of Neutral Desks in Education Institutions Act na nilagdaan noong August 22, inoobliga na ang lahat ng educational institutions mapa pribado o pampubliko man na maglagay ng armchair na magsisilbing neutral desk para sa mga left o right handed na estudyante.

Nakasaad sa batas na dapat na magkaroon ng neutral desk ng 10 percent ng kabuuang populasyon ng estudyante ng isang eskwelahan at sa susunod na mga taon ay dapat na madaagdagan pa ito.

Inuutos rin ng batas sa Department of Education, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang pagtukoy ng regulasyon kabilang ang administrative penalties o multa sa mga hindi susunod.

TAGS: Commission on Higher Education, Department of Education, neutral desk., Republic Act 11394 o Mandatory Provision of Neutral Desks in Education Institutions Act, Rodrigo Duterte, Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, Commission on Higher Education, Department of Education, neutral desk., Republic Act 11394 o Mandatory Provision of Neutral Desks in Education Institutions Act, Rodrigo Duterte, Technical Education and Skills Development Authority o TESDA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.