Universal Health Care Law hindi muna ipatutupad sa buong bansa
Magkakaroon muna ng pilot area sa bansa para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law
Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa panukalang P166.5B 2020 budget ng Department of Health (DOH), sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na pumili sila ng mga lugar kung saan ito unang maipatutupad.
Iginiit ni Duque na hindi kasi kaya ng pamahalaan na magkaroon ng national roll out sa Universal Health Care Law dahil sa budgetary contraints.
Dahilan ito ng kanilang pagpili ng magsisilbing model sa unang taon ng pagpapatupad ng batas.
Sinabi ni Duque na 33 lugar sa bansa unang ipatutupad ang UHC kung saan pumili sila ng mga bayan at lalawigan sa iba’t-ibang rehiyon.
Nauna nang sinabi ng kalihim na mangangailangan ng P257B para sa susunod na taon sa implementasyon ng Universal Health Care Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.