DOH hindi nagpabaya sa paglobo ng dengue – Duque

By Erwin Aguilon August 28, 2019 - 11:51 AM

Nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi sila nagpapabaya sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa bansa.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi Health Sec. Francisco Duque III na aabot na sa mahigit P140 million ang kanilang nailabas magmula nang maideklarang national epidemic ang dengue noong Agosto 6.

Sa naturang halaga, nasa P80 million aniya rito ay napunta sa kanilang quick response fund, na nagamit naman ng mga lokal na pamahalaan na lubos na apektado ng dengue.

Sinabi ng kalihim na nakatulong din ang pagdeklara nila ng national epidemic dahil mas napaigting ang koordinasyon sa pagitan ng DOH at LGUs sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa ngayon, ayon kay Duque, 208,817 na ang bilang ng mga nagka-dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 10 ng taong kasalukuyan, mas mababa kumpara sa kaparehas na period noong nakaraang taon.

Nasa apat na porsiyento naman aniya ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.

TAGS: budget hearing, Dengue, department of health, francisco duque, budget hearing, Dengue, department of health, francisco duque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.