Bagyong Jenny lumakas pa isa na muling tropical storm; tropical cyclone wind signals inalis na ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2019 - 11:31 AM

Muling lumakas ang bagyong Jenny at bumalik sa tropical storm category.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 305 kilometers West Northwest ng Dagupan City, Pangasinan o sa 290 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 40 kilometers bawat oras.

Dahil malayo na sa kalupaan ang bagyo at ito ay nasa West Philippine Sea na ay inalis na ng PAGASA ang lahat ng umiiral na tropical cyclone wind signals.

Pero ayon sa PAGASA ang ang Habagat ay maghahatid pa rin ng mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro Provinces, Romblon, at Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands.

Habang kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Bangsamoro, Zambales, at Bataan.

Inaasahang lalabas na ng bansa ngayong araw ang bagyo.

TAGS: Pagasa, Tropical Storm Jenny, weather, Pagasa, Tropical Storm Jenny, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.