Mga lalawigan sa Central Luzon patuloy na inuulan

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2019 - 11:23 AM

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA para sa ilang mga lalawigan sa Central
Luzon.

Alas 10:47 ng umaga, sinabi ng PAGASA na nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, at Bataan.

Ang nararanasang kondisyon ng panahon ay tatagal sa susunod na dalawang oras.

Pinayuhan naman ng PAGASA ang mga residente na maging maingat sa posibleng flash floods at landslides.

TAGS: bataan, nueva ecija, Pagasa, Tarlac, thunderstorm advisory, weather, zambales, bataan, nueva ecija, Pagasa, Tarlac, thunderstorm advisory, weather, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.