Bagong IG post ni Bea Alonzo umani ng samu’t saring reaksyon

Tila mas pinili ni Bea Alonzo na maging positibo sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan niya sa ngayon.

Sa bagong Instagram post, makikita ang walang make-up na larawan ni Bea na nakatalukbong ng tila twalya o kumot.

Nilagyan niya ito ng caption na “Chillin’ while thinking of writing letters to myself just so I’m reminded that I am constantly surrounded by love. #OneDayAtATime Also literally chilling now dahil ang lamig sa tent! Lol! #buhaypelikula”

Nilagyan niya ito ng hastag na #OneDayAtATime at #buhaypelikula”

Pawang positibo naman ang reaksyon ng kanyang mga follower kabilang ang ilan sa kapwa niya artista gaya nina Yam Concepcion at Candy Pangilinan.

Higit isang buwan na mula nang pumutok ang isyu sa kanila ni Gerald Anderson at Julia Barreto, hindi naglabas ng reaksyon ang Kapamilya actress.

Noong nakaraang linggo, naglabas ng hindi magagandang salita ang ina ni Gerald na si Ginang Evangeline Opsima laban sa aktres.

Sa panayam, sinabi ni Mommy Vangie na pinalaki lamang ni Bea ang isyu at hindi rin daw niya ito gusto para sa kanyang anak bagaman pinakisamahan niya ng maayos.

Read more...