Arbitral ruling ng PCA sa South China Sea ilalatag na bukas ni Pangulong Duterte kay President Xi

Matapos ang tatlong taong paghihintay, ididiga na bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang arbitral ruling ng permanent court of arbitration na hindi kinikilala ang nine dash claim ng China sa South China Sea.

Biyaheng Beijing na mamayang hapon si Pangulong Duterte para sa bilateral talks nilla ni Xi.

Base sa abiso ng Malakanyang, bukas na ang inaasahang bilateral talks ng dalawang lider.

Susundan ito ng signing of agreements ng dalawang bansa para sa oil and gas exploration deal sa West Philippine Sea.

Sa naturang kasunduan, magiging 60-40 ang hatian, kung saan 60 percent ang mapupunta sa Pilipinas.

Susundan ito ng banquet.

Sa Biyernes naman ang inaasahang bilateral meeting nina Pangulong Duterte
at Chinese Premier Li Keqiang.

Pagkatapos ng pagpupulong ng dalawa ay bibiyahe na ang pangulo patungong Guanzhou, sa Guangdong Province para manood sa laban ng Gilas Pilipinas.

Makakasama ng pangulo sa panonood ng basketball ang Vice President ng China at si Senador Bong Go dahil isa siya sa mga adviser ng Gilas Pilipinas.

 

Read more...