Estudyante natagpuang patay at may tama ng saksak sa Tabaco City, Albay

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2019 - 10:53 AM

Isang babaeng estudyante ang natagpuang patay at may tama ng saksak sa katawan sa Tabaco City, Albay.

Ang biktimang nakilalang si Jackielyn Cellona ay residente ng bayan ng Malinao.

Nakita ng residenteng si Nelson Moral ang katawan ni Cellona sa tabi ng kalsada sa Barangay San Antonio, alas 6:00 ng gabi ng Martes, Aug. 27.

Ilang minuto matapos matuklasan ang katawan ni Cellona, kusa namang sumuko sa mga pulis ang nagpakilalang boyfriend nito.

Ayon sa suspek na si Ryan Carale, 23 anyos, siya ang pumatay sa kaniyang kasintahan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente maging sa kung ano ang motibo ni Carale sa pagpatay sa biktima.

TAGS: Albay, crime, tabaco city, Albay, crime, tabaco city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.