CLOA ng mga magsasaka dapat nang tanggapin ng Land Bank bilang collateral sa mortgage ayon kay Pangulong Duterte

By Chona Yu August 28, 2019 - 10:00 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Land Bank of the Philippines na tanggapin ang mga certificate of land ownership awards na iginagawad ng pamahalaan sa mga magsasaka bilang collateral sa mortgage.

Sa talumpati ng pangulo sa anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa Quezon City, sinabi nito na ito ay para makapagsimula ang mga magsasaka.

Ayon sa pangulo, hindi kasi makahiram ng pera sa bangko ang mga magsasaka dahil sa kawalan ng titulo ng mga lupa.

Ayon sa pangulo, dapat nang tanggapin ng land bank ang mga CLOA para makautang ng pera ang mga magsasaka.

“Now, if you own about one or two hectares, that by itself is a luxury. Kaya mas — aabot ng… A little bit higher than what is used to be now. Kung magamit lang sana nila ma’am ‘yung mga CLOA certificates nila as collateral for mortgage. That’s the only way na magamit. Hindi nila magamit eh. So Land Bank has to accept it by way of mortgage para makapaghiram ng pera,” ayon sa pangulo.

Una rito, sinabi ng DAR na mahigit 47,000 na agrarian beneficiaries na ang nabigyan ng CLOA o katumbas ng 71,000 ektaryang lupa.

TAGS: certificate of land ownership awards, CLOA, Comprehensive Agrarian Reform Program, certificate of land ownership awards, CLOA, Comprehensive Agrarian Reform Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.