Sinabi ng chairman ng komite na si AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin na maari nilang gamitin ang House Rule 10, Section 48 sa pagsisimula ng kanilang deliberasyon sa naturang panukala bukas ngayong araw.
Ayon kay Garin, mahalagang maipasa ang mga amiyendang sa PSA, na naisabatas noon pang 1936, dahil maaring iba na ang kahulugan ng public utility noon at sa ngayon.
Hindi aniya nakasaad sa Saligang Batas ang kahulugan ng public utility na sa kasalukuyan ay binibigyang depinisyon lamang ng PSA o ng mga desisyon ng Korte Suprema.
Magugunitang inaprubahan ng Kamara noong 17th Congress ang House Bill 5828 o ang act providing for the definition of public utility amending for the purpose Commonwealth Act of 146.
Sa ilalim ng panukalang ito, maituturing bilang public utility ang distribution ng electricity system, transmission ng electricity system at water pipeline distribution.