Panukalang amyenda sa Public Service Act isasalang sa pagdinig ngayong araw

By Erwin Aguilon August 28, 2019 - 09:57 AM

Nais ng House Committee on Economic Affairs na gamitin ang one-day hearing rule para mapabilis ang pag-apruba sa komite ng panukalang amiyenda sa Public Service Act (PSA).

Sinabi ng chairman ng komite na si AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin na maari nilang gamitin ang House Rule 10, Section 48 sa pagsisimula ng kanilang deliberasyon sa naturang panukala bukas ngayong araw.

Ayon kay Garin, mahalagang maipasa ang mga amiyendang sa PSA, na naisabatas noon pang 1936, dahil maaring iba na ang kahulugan ng public utility noon at sa ngayon.

Hindi aniya nakasaad sa Saligang Batas ang kahulugan ng public utility na sa kasalukuyan ay binibigyang depinisyon lamang ng PSA o ng mga desisyon ng Korte Suprema.

Magugunitang inaprubahan ng Kamara noong 17th Congress ang House Bill 5828 o ang act providing for the definition of public utility amending for the purpose Commonwealth Act of 146.

Sa ilalim ng panukalang ito, maituturing bilang public utility ang distribution ng electricity system, transmission ng electricity system at water pipeline distribution.

TAGS: House Committee on Economic Affairs, House of Representatives, Public Service Act, House Committee on Economic Affairs, House of Representatives, Public Service Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.