Gunman sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin naghain ng guilty plea sa korte

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2019 - 09:47 AM

FILE PHOTO
Naghain ng guilty plea ang gunman sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin noong Nobyembre 2018.

Ayon kay Department of Justice Prosecutor Juan Pedro Navera, umamin sa kasalanan ang self-confessed gunman na si Edgardo Luib.

“Guilty” ang inihaing plea ni Luib sa isinagawang pagbasa ng sakdal sa sala ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo RTC Branch 72.

Makailang beses pang tinanong ni Paradeza si Luib kung nalalaman at nauunawaan ba niya ang kahihinatnan ng kaniyang pag-amin.

Ayon kay Luib ang pagbagabag ng kaniyang kunsensya ang dahilan kaya nagpasya siyang umamin sa kaso.

Sa naunang pahayag ni Luib ay inamin niyang binaril niya si Sytin at bodyguard nitong si Efren Espartero dahil sa utos ng nakababatang kapatid ng negosyante na si Dennis.

Sa September 11 ganap na magsisimula ang paglilitis sa kaso.

TAGS: Dominic Sytin, Murder, Olongapo, sbma, Dominic Sytin, Murder, Olongapo, sbma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.