Jeremy Lin kumpirmadong maglalaro sa China Basketball Association

By Jimmy Tamayo August 28, 2019 - 08:59 AM

Kumpirmadong maglalaro sa China Basketball Association (CBA) ang Asian-American na si Jeremy Lin.

Si Lin ay pumirma na ng kontrata para maglaro sa Beijing Shougang Ducks, isa sa pinakamalakas na koponan sa CBA.

Lumikha ng ingay si Lin nang maglaro siya sa New Yorks Knicks at makarating sa NBA finals hanggang sa makopo ang titulo noong 2012.

Dahil sa ingay, nakabuo ang mga fans ng katawagan na ‘Linsanity.”

Pero humupa ang ingay nang makaranas ng injury si Lin at magpalipat-lipat ng koponan.

Huli siyang naglaro sa Toronto Raptors na nagkampyon sa huling NBA season pero hindi gaanong napanood ang player dahil madalas siyang hindi pinapasok.

Noong nakaraang buwan, naging emosyonal si Lin at mangiyak-ngiyak na humarap sa media at sinabing tila inabandona siya ng NBA.

TAGS: CBA, ChinaBasketballAssociation, Jeremy Lin, Linsanity, CBA, ChinaBasketballAssociation, Jeremy Lin, Linsanity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.