Water level ng Angat dam mahigit 181 meters na

Marami-rami pa ang nadagdag sa water level ng Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, August 28, nasa 181.69 meters ang water level ng Angat dam.

Malaki ang itinaas nito kumpara sa 180.75 meters na water level kahapon ng umaga.

Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 77.18 meters.

Habang nabawasan naman water level ng Ipo dam at ngayon ay nasa 100.80 meters.

Ang iba pang dam sa Luzon ay pawang nadagdagan din ang antas ng tubig gaya ng Ambuklao at Pantabangan.

Habang nabawasan naman ang water level ng Caliraya, Binga at San Roque.

Wala namang pagbabago sa water level ng Magat dam.

Read more...