New Year’s Eve attack ng ISIS sa Munich, Germany, napigilan

By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2016 - 07:27 PM

AFP Photo
AFP Photo

Nagtangka umano ang Islamic State group na maglunsand ng suicide bomb attack sa Munich, Germany kasabay sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon sa German authorities, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa “friendly intelligence service” hinggil sa plano ng IS nan a gawin ang pag-atake hatinggabi o habang abala ang lahat sa pagidiriwang ng Bagong Taon.

Sinabi ni Munich police chief Hubertus Andrae, lima hanggang pitong mga suspek umano ang magsasagawa ng pag-atake.

Ang nasabing impormasyon ang nagbunsod sa mga otoridad sa Munich para ilikas ang mga tao sa dalawang rail station sa Munich.

Agad nagtalaga ng 550 na pulis para hagilapin ang mga suspek na sangkot sa naharang na pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.