3 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas August 28, 2019 - 04:39 AM

Timbog ang tatlong lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa QCPD, ikinasa ng mga tauhan ng Batasan Police Station Drug Enforcement Unit ang operasyon laban sa target na nakilala sa alyas na ‘Alex’.

Napag-alamang taga-Montalban, Rizal ang suspek at dumarayo pa ng Quezon City para magbenta ng droga.

Dati nang nakulong dahil din sa iligal na droga si ‘Alex’.

Ang dalawa pang naaresto ay nakilalang sina alyas ‘Lemuel’ at alyas ‘Adrian’ na nakasabay ng poseur buyer sa pagbili ng shabu mula sa target.

Lumalabas na nasangkot at nakulong na rin sa robbery hold-up si alyas ‘Lemuel’.

Nakuha mula sa mga suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu.

Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 20 gramo, 3 arestado, Batasan Police Station Drug Enforcement Unit, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, quezon city, robbery-hold up, shabu, 20 gramo, 3 arestado, Batasan Police Station Drug Enforcement Unit, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, quezon city, robbery-hold up, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.