Mga estudyante bibigyan ng discount sa panunuod ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019

By Rhommel Balasbas August 28, 2019 - 04:35 AM

May magandang balita ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga estudyante na nais manood ng mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Martes ng gabi, inanunsyo ng FDCP sa Facebook ang pagbibigay ng diskwento para sa mga mag-aaral na manonood ng PPP film entries.

P180 pesos na lamang ang halaga ng ticket para sa mga sinehan sa Metro Manila habang P130 naman sa mga sinehan sa labas ng Metro Manila.

Kailangan lamang ipakita ng mga estudyante ang kanilang IDs o registration form sa cinema ticket booth para makakuha ng discount.

Tampok sa ikatlong PPP ang sampung pelikula at mapapanood ang mga ito mula September 13 hanggang 19.

Ang PPP ay ang opisyal na selebrasyon ng FDCP para sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine Cinema.

September 12, 1919 naipalabas ang unang pelikulang Pilipino na ‘Dalagang Bukid’ sa direksyon ni Jose Nepomuceno.

 

TAGS: Dalagang Bukid, discount, estudyante, Film Development Council of the Philippines, id, ika-100 taon, Jose Nepomuceno, Philippine Cinema, Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, registration form, sinehan, Dalagang Bukid, discount, estudyante, Film Development Council of the Philippines, id, ika-100 taon, Jose Nepomuceno, Philippine Cinema, Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, registration form, sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.