BREAKING: Pampasaherong barko nasusunog sa karagatang sakop ng Dapitan

Courtesy: Allan Barredo

Patuloy ang rescue operation sa isang pampasaherong barko na nasusunog sa karagatang sakop ng Dapitan City kaninang madaling araw.

Nabatid na papunta sa Cebu ang barko na sinasabing may sakay na 150 pasahero.

Kakaalis lamang ng pantalan ang Lite Ferry 16 nang ito ay magsimulang masunog.

Dahil sa sunog ay kanya-kanya ng talon ang mga pasahero sa dagat.

Ayon sa netizen na si Allan Barredo, huminto ang barkong kanyang sinasakyan para magligtas ng mga pasahero ng nasusunog na barko.

Makikita sa larawang pinost ni Barredo ang nasusunog na barko.

 

Read more...