BuCor exec patay sa pananambang sa Muntinlupa

Patay sa pananambang ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa, Martes ng hapon.

Ayon kay Muntinlupa City Police chief Col. Gerry Umayao, ang biktima ay kinilalang si Ruperto Traya, 53 anyos, chief administrative officer 3 ng Bucor.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatakda sanang buksan ng biktima ang gate ng kanyang inuupahang parking lot sa bahagi ng Amparo Street, Barangay Poblacion nang dumating ang hindi pa nakikilalang gunman at siya ay barilin.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Traya.

Agad na tumakas ang gunman.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa krimen.

 

Read more...