BuCor exec patay sa pananambang sa Muntinlupa

By Rhommel Balasbas August 28, 2019 - 03:31 AM

Patay sa pananambang ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa, Martes ng hapon.

Ayon kay Muntinlupa City Police chief Col. Gerry Umayao, ang biktima ay kinilalang si Ruperto Traya, 53 anyos, chief administrative officer 3 ng Bucor.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatakda sanang buksan ng biktima ang gate ng kanyang inuupahang parking lot sa bahagi ng Amparo Street, Barangay Poblacion nang dumating ang hindi pa nakikilalang gunman at siya ay barilin.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Traya.

Agad na tumakas ang gunman.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa krimen.

 

TAGS: ambush, bucor, gunman, Muntinlupa, Muntinlupa City Police, patay, ambush, bucor, gunman, Muntinlupa, Muntinlupa City Police, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.