33 bagong aircon units para sa MRT-3 ikinakabit na
Good news para sa mga commuter ng Metro Rail Transit (MRT) – 3.
Ito ay dahil sinimulan nang ikabit sa mga bagon ng tren ang 33 bagong air-conditioning units (ACU) na binili bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon sa linya ng tren.
Sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) Martes ng hapon, sinabing ang 33 ACU ay dumating noong August 3 hanggang 20.
Unang batch ang 33 ACU ng kabuuang 120 units na binili ng contractor na Sumitomo-MHI-TESP sa halagang P167 milyon.
Dahil dito, asahan na umano ang mas ‘chill’ na biyahe sa pinakagamit na rail line ng Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.