Trillanes itinanggi na siya ang nasa likod ng alegasyong rice smuggling vs Rep. Duterte
Itinanggi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na may kinalaman siya sa alegasyon na sangkot umano si Davao City Rep. Paolo Duterte sa rice smuggling.
Pahayag ito ni Trillanes matapos lumutang sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame, Quezon City si Perfecto Tagalog.
Nagsumite si Tagalog ng kanyang affidavit kung saan sinabi nito na inimbento lamang ni Trillanes ang alegasyon noong 2016 para sirain ang noo’y presidential candidate na si Rodrigo Duterte.
Pero sa text message ay pinabulaanan ng dating senador na kilala niya si Tagalog.
Ayon kay Trillanes, hindi niya kilala si Tagalog at dagdag lang ito sa anyay mga kalokohan ni Atty. Larry Gadon.
Matatandaan na sinabi dati ni Tagalog na nakipagsabwatan umano si Pulong Duterte at misis nito sa sinasabing smuggler na si Davidson Bangayan o David Tan na noon ay inimbestigahan ng Senado.
Pero sa kanyang affidavit ay sinabi ni Tagalog na hinimok siya ng dating senador na ibunyag ang umanoy illegal na aktibidad.
Nakumbinse umano ito na totoo ang isyu dahil may ipinakita si Trillanes na dokumento mula sa National Bureau of Investigation (NBI) bilang patunay na sangkot ang presidential son sa rice smuggling.
Pero sinabi ng abogado nitong si Gadon na depende na sa CIDG kung anong kaso ang pwedeng isampa laban kay Trillnes base sa affidavit ni Tagalog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.