DSWD-CIU sa Maynila dinumog ng higit 1,000 estudyante para sa educational assistance

Courtesy: Gelyn Calicdan

Dumagsa ang mahigit 1,000 mga estudyante sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Maynila Miyerkules ng madaling araw.

Pumunta ang mga estudyante at kanilang mga magulang sa DSWD-Crisis Intervention Unit (DSWD-CIU) na nasa Dalupan St., Sampaloc para makakuha ng educational assistance.

Sa pagitan ng alas 5:00 at alas 6:00 ng umaga karaniwang nagbubukas ang tanggapan para sa mga humihingi ng tulong pero tuwing Miyerkules lamang ang para sa educational assistance.

Courtesy: Gelyn Calicdan

Dahil isang araw lamang sa isang linggo ay dinumog ng mga estudyante ang DSWD-CIU.

Nagkagulo ang mga estudyante at kanilang mga kasama nang mamigay na ng mga numero ang mga gwardya.

Nasa 200 lamang ang cut off o ang bilang ng mga estudyante na pinoproseso ang mga dokumento para sa naturang tulong.

Pero nabatid na marami ng mga estudyante ang naghintay na sa lugar Martes pa lamang ng gabi.

Dahil sa kaguluhan ay pansamantalang itinigil ng mga gwardya ang pamimigay ng numero pero nanatili sa lugar ang mga estudyante.

Courtesy: Gelyn Calicdan
Read more...