NDRRMC nagtaas ng alert status para sa Bagyong Jenny

By Len Montaño August 28, 2019 - 01:39 AM

OCD photo

Nagtaas ng alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) araw ng Martes para sa Bagyong Jenny.

Mula white alert status ay itinaas ito ng NDRRMC sa blue alert status bilang monitoring ng epekto ng bagyo.

Nakatutok din NDRRMC sa pagpapatupad ng koordinasyon para sa hakbang ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Araw ng Martes ay nag-convene ang Pre-Disaster Assessment Core Group at tinalakay ang planong aksyon para sa posibleng mga epekto ng bagyo.

Una nang tiniyak ng NDRRMC sa publiko na may nakatalaga silang mga tauhan sa mga lugar na daranaan ng Bagyong Jenny.

 

TAGS: bagyong jenny, Blue Alert Status, epekto, NDRRMC, Pre-Disaster Assessment Core Group, white alert status, bagyong jenny, Blue Alert Status, epekto, NDRRMC, Pre-Disaster Assessment Core Group, white alert status

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.