Bagyong Jenny nag-landfall na sa Casiguran, Aurora

Tumama na sa kalupaan ng Casiguran, Aurora ang Bagyong Jenny.

Sa ulat ng Pagasa bago mag ala 1:00 Miyerkules ng madaling araw, sinabing nag-landfall ang bagyo dakong 10:40 Martes ng gabi.

Dagdag ng Pagasa, pagkatama sa kalupaan ay humina ito bilang Tropical Depression.

Sa 11pm advisory Martes ng gabi, nasa signal # 2 ang sumusunod na lugar: Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Signal # 1 naman sa Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands at Alabat Island, Cavite, Laguna, Camarines Norte, northeastern portion ng Camarines Sur at Catanduanes.

Ayon sa Pagasa, dahil sa Habagat ay mahina hanggang katamtaman na may hanggang occasional heavy rains ang iiral sa Western Visayas, Mindoro Provinces, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Zambales at Bataan.

 

Read more...