Release order ni Sanchez may petsang August 20 ayon sa mga anak nito

By Len Montaño August 28, 2019 - 12:57 AM

Cathy Miranda, INQUIRER.net

Iginiit ng mga anak ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na mayroon ng release order para sa kanilang ama.

Sa panayam sa bahay ng mga Sanchez sa Calauan, sinabi ng panganay na anak ng alkalde na si Allan Antonio na inilbas na ang release order para sa kanyang ama at may petsa itong August 20.

Ayon kay Allan, isang hindi pinangalanang indibidwal ang nagsabi sa kanila na nailabas na ang release order ni Sanchez na na-convict sa kasong rape at murder.

“Actually, we wondered at first that he was already released,” pahayag ni Allan.

Isang tao anya ang tumawag sa pamilya para ipaalam ang ukol sa release order kaya pumunta sila sa New Bilibid Prison (NBP) para sunduin ang kanilang ama.

Pero naging panandalian ang kaligayahan ng pamilya dahil pagdating nila sa NBP parking lot ay may natanggap na text message ang pamilya na nagsasabing “on hold” ang release order matapos lumabas sa media ang balita ukol sa paglaya nito.

Dagdag nito, sumailalim na ang kanyang ama sa finger print bilang bahagi ng proseso ng paglaya nito.

“So we wondered: If the release order had already been issued, why was my father’s release put on hold? So that’s a big question. Why?” ani Allan Antonio.

Samantala, sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang inilabas na release order para kay Sanchez.

Itinanggi any ani Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na lumabas na ang naturang dokumento.

 

TAGS: dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, NBP, on hold, release order, text message, dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, NBP, on hold, release order, text message

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.