Sa ikatlong Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) Forum sa Maynila, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na 10,000 Pinoy muna ang target nilang mairehistro sa pagsisimula ng pilot testing sa September 2.
Iiral ang pilot testing mula sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.
Oras na magawa nang maayos ang proseso, dito na aniya dadagdagan ang mairerehistro sa sistema.
Sa taong 2020, target naman aniyang mairehistro ang nasa 50 milyong Pinoy habang ang karagdagang 50 milyon naman sa taong 2021 kasama ang mga overseas Filipino worker (OFW).