Gobyerno target marehistro ang 10,000 Pinoy sa pilot testing ng national ID

By Angellic Jordan August 28, 2019 - 12:25 AM

Target ng gobyerno na na mairehistro ang nasa 10,000 Filipino sa pilot testing ng national identification system.

Sa ikatlong Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) Forum sa Maynila, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na 10,000 Pinoy muna ang target nilang mairehistro sa pagsisimula ng pilot testing sa September 2.

Iiral ang pilot testing mula sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.

Oras na magawa nang maayos ang proseso, dito na aniya dadagdagan ang mairerehistro sa sistema.

Sa taong 2020, target naman aniyang mairehistro ang nasa 50 milyong Pinoy habang ang karagdagang 50 milyon naman sa taong 2021 kasama ang mga overseas Filipino worker (OFW).

 

TAGS: EJAP Forum, marehistro, national ID, neda, ofw, pilot testing, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, target, EJAP Forum, marehistro, national ID, neda, ofw, pilot testing, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, target

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.