Nakilala ang mga dayuhan na sina Manjot Singh, Mandeep Singh, Boota Singh, and Gurpreet Singh.
Ayon kay Fortunato Manahan Jr., hepe ng BI Intelligence Division, ikinasa ang operasyon matapos maglabas ng mission order si Immigration Commissioner Jaime Morente.
Nakatanggap kasi ang ahensya ng mga reklamo ukol sa umano’y “5-6” na lending activity ng mga dayuhan.
Ayon naman kay BI Intelligence Officer Jude Hinolan, ipapa-deport si Manjot Singh dahil sa harboring habang si Mandeep Singh naman ay dahil sa pagiging overstaying alien sa bansa.
Hindi naman nakapagpakita ng pasaporte o anumang travel dokumento sina Boota Singh at Gurpreet Singh nang hingan ng ahensya.
Ani Manahan, dinala na ang mga dayuhan sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City para sa deportation proceedings.
Muli namang hinikayat ni Morente ang publiko lalo na ang mga nakatira sa labas ng Metro Manila na huwag mag-alinlangan sa pag-uulat ng presensiya ng illegal alien sa bansa.
Kailangan aniya ng aktibong kooperasyon ng publiko kasama ang mga local at barangay official sa kanilang kampaniya.