DILG may payo sa mga tutol sa presensya ng mga pulis at sundalo sa mga unibersidad
Nagbigay ng pahayag ang Department Interior and Local Government (DILG) sa mga tumututol ng paglalagay ng mga pulis at militar sa mga unibersidad sa bansa.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga pamantasan ay lugar ng iba’t ibang pananaw at hindi eksklusibong teritoryo ng isang ideolohiya lamang.
Sinabi pa ni Malaya na isang malaking palaisipan kung bakit iginigiit ng mga organisasyon ng militanteng mag-aaral ang ‘militarisasyon o Martial Law’ gayong wala namang planong gawing kampo ng militar o ng mga pulis ang mga paaralan.
Kayo payo ng opisyal sa mga militanteng student organizations sa bansa na umagapay sa pagbabago ng panahon at bumuo ng mga bagong slogan para anya “maiba naman.”
Ang sigaw na militarisasyon at Martial Law sa mga unibersidad, partikular sa University of the Philippines, ay gasgas na anya at bumenta na.
Binanggit ni Malaya na hindi kayang talikuran ng pamahalaaan ang mga taghoy at pagdurusa ng mga magulang na dumulog sa Senado at nagsiwalat kung ano ang nangyayari sa kanilang mga anak.
Ang pahayag na ito ng DILG ay dahil sa matinding paghadalang ng mga militanteng student organization sa mga kolehiyo at pamantasan sa paglalagay ng mga pulis at militar sa mga unibersidad at paaralan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.