Mountain Province isinailalim sa state of calamity dahil sa dengue

By Angellic Jordan August 27, 2019 - 10:10 PM

Isinailalim na sa state of calamity ang Mountain Province bunsod ng paglobo ng kaso ng sakit na Dengue.

Sa inilabas na resolusyon, inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang deklarasyon sa probinsya para matiyak ang agarang hakbang laban sa sakit.

Sa huling ulat ng Provincial Health Office, nasa kabuuang 503 na kaso ang naitala sa probinsya sa taong 2019.

Malayo ang taas nito kumpara sa naitalang 117 na kaso noong 2018.

Sa tala ngayong taon, dalawa na ang nasawi dahil sa nasabing sakit.

 

TAGS: Dengue, Mountain Province, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Health Office, State of Calamity, Dengue, Mountain Province, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Health Office, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.