Bagyong Jenny napanatili ang lakas habang papalapit sa Aurora

By Len Montaño August 27, 2019 - 09:36 PM

Napanatili ng Tropical Storm Jenny ang lakas nito sa gitna ng banta sa lalawigan ng Aurora kung saan ito inaasahang magla-landfall anumang oras sa pagitan ng alas 9:00 Martes ng gabi hanggang ala 1:00 Miyerkules ng umaga.

Sa Pagasa Severe Weather Bulletin No. 8 na inilabas alas 8:00 Martes ng gabi, huling namataan ang Bagyong Jenny 210 kilometers East Northeast of Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometer per hour at bugsong 80 kilometers per hour.

Tinatahak nito ang direksyong Kanluran ng bansa sa bilis na 35 kilometers per hour.

Ang sumusunod na lugar ay nasa tropical cyclone wind signal # 2: Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

Nasa tropical cyclone wind signal # 1 naman ang sumusunod na lugar: Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands at Alabat Island, Cavite, Laguna, Camarines Norte, northeastern portion ng Camarines Sur at Catanduanes.

Samantala, sa Rainfall Advisory No. 8 na inilabas alas 8:00 Martes din ng gabi, umiiral ang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Tarlac sa loob ng 2 hanggang 3 oras.

Light to moderate rains din ang umiiral sa Nueva Ecija, Pampanga, Bataan at Quezon.

 

TAGS: bagyong jenny, Landfall, napanatili ang lakas, Pagasa, papalapit, Tropical Storm Jenny, bagyong jenny, Landfall, napanatili ang lakas, Pagasa, papalapit, Tropical Storm Jenny

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.