Natitirang lupain sa Hacienda Luisita ipamamahagi na sa mga magsasaka

By Chona Yu August 27, 2019 - 08:45 PM

Sa wakas, maipamamahagi na ng Department of Agrarian Reform sa mga magsasaka ang mahigit isandaang ektaryang lupa sa Hacienda Luisita sa Tarlac na pag aari ng pamilya ni dating pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, sakop ng mahigit isandaang ektarya ang sampung barangay na hindi naisailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program ng nakaraang administrasyon.

Aabot sa isandaan at labing apat na magsasaka o agrarian reform beneficiaries ang makatatanggap ng lupa mula sa Hacienda Luisita.

Sinabi naman ni Senador Christopher Lawrence Bong Go na kaya hindi naipamahagi ang lupain sa Hacienda Luisita noon dahil hindi nakumpleto ang mga requirements para sa CARP.

Ayon kay Go, ito na ang last tranch o huling bahagi ng Hacienda Luisita na maipapamahagi sa mga magsasaka.

Aabot sa anim na libong ektaryang lupa ang kabuuan ng Hacienda Luisita.

Una nang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Corazon Aquino dahil sa hindi isinama ang Hacienda Luisita sa CARP.

TAGS: DAR Secretary John Castriciones, dating Pangulong Benigno Aquino III, Department of Agrarian Reform, Hacienda Luisita, DAR Secretary John Castriciones, dating Pangulong Benigno Aquino III, Department of Agrarian Reform, Hacienda Luisita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.