Naglabas ng abiso ang National Grid Corporation of the Philppines (NGCP) na magsasagawa sila ng maintenance sa kanilang pasilidad sa North Luzon Grid.
Dahil dito 10 oras na mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Benguet, araw Miyerkules, Aug. 28.
Base sa nasabing abiso, magsisimula ang power interruption mula alas-7:00 ng umaga hanggag alas-5:00 ng hapon.
Payo ng NGCP sa mga consumer sa Benguet na makipag ugnayan sa kanilang electric cooperative na BENECO’s Atok Substation kung anong mga partikular na lugar sa nabangit na lalawigan ang mawawalan ng kuryente.
Tiniyak naman ng pamunuan ng NGCP na bibilisan nila ang paggawa para maibalik agad ang supply ng kuryente sa nasabing lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES