DILG suportado na hindi mabigyan ng parole si dating Calauan Mayor Sanchez
Hindi sang-ayon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mabigyan ng parole o pardon si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año hindi kasama si Sanchez sa batas na Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Aniya na maliwanag na nakasaad sa batas na ang isang tao na convicted ng heinuos crime o makarumaldumal na krimen ay hindi kasama sa nasabing batas.
Kaya naman ikinatuwa ng DILG ang pahayag ng Department of Justice (DOJ) na hindi maaaring makasama si Sanchez sa GCTA.
Pahayag pa ni Año suportado nila ito.
Sabi pa niya na kailangan panagutan ni Sanchez hanggang sa huling minuto ang hatol sa kanya, dahil bibigyan lang ng butas ang justice system ng bansa kung papalayain ng maaga si Sanchez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.