Misis ng PLDT Executive, natagpuang patay sa Laguna

June 29, 2015 - 03:39 AM

binanNatagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Biñan City sa Laguna ang misis ng isang PLDT executive matapos mapaulat na nawawala tatlong araw na ang nakalilipas.

Ayon kay Laguna Police Director Sr. Supt. Florendo Saligao, nakita ang katawan ng biktimang si Gloria Gonzales – 47 anyos sa loob ng isang inabandonang sasakyan.

Si Gonzales ay misis ni John R. Gonzales na Vice President at head for Corporate Relationship Management ng PLDT.

Napaulat na nawawala ang biktima noong June 25 at huling nakita na umalis ng kanilang bahay sa Parañaque City sakay ng Toyota Innova na may plakang UOS 146.

Ang huling mobile signal transmission mula sa cellphone ni Gonzales ay na-trace sa Barangay Aracadia Silang Cavite.

Ayon kay Saligao, natagpuan ang sasakyan ni Gonzales, Linggo ng umaga sa Barangay San Vicente.

Isang Chester Gerodias na residente sa lugar ang nakapansin sa nakaparadang sasakyan dahil sa umano ay masangsang na amoy na nagmumula dito.

Humingi ng tulong sa mga otoridad si Gerodias para tignan ang loob ng sasakyan.

Nang pwersahang buksan ang sasakyan ay doon na tumambad ang katawan ni Gonzales sa backseat na may takip na kumot.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagpatay sa nasabing biktima./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Gloria Gonzales, PLDT executive's wife, Radyo Inquirer, Gloria Gonzales, PLDT executive's wife, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub