Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez na mag- convene na sa ikalawang linggo ng Setyembre sa Davao City para mailatag na ang coordinating committee sa pagitan ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang utos kay Galvez matapos ang kanyang pakikipagpulong kay MNLF chairman Nur Misuari nitong weekend sa Davao City.
Paliwanag ni Panelo ang GPH at MNLF coordinating committee ang magsisilbing lugar para makuha ang pakikipag koordinasyon ng magkabilang panig para makamit ang kapayapaan sa Sulu.
Sa panig naman ni Misuari, sinabi ni Panelo na nais nitong makasali sana sa konsultasyon ang Organization of Islamic Cooperation o OIC tulad sa nakalipas na tripartite talks noon para madetermina ang natitirang pang compliance ng gobyerno sa final peace agreement sa MNLF noong 1996.
Target makamit sa pagkakaroon ng pagkakasundo ng gobyerno at MNLF na masawata ang Abu Sayyaf group at ang pagkumbinse sa mga kaanak ng MNLF fighters na magbalik loob na sa pamahalaan.