Pondo sa implementasyon ng Murang Kuryente Act hindi kasama sa 2020 budget

By Erwin Aguilon August 27, 2019 - 01:06 PM

Hindi sa panukalalang 2020 budget kukunin ang pondo para sa pagpapatupad ng Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, sinabi Energy Secretary Alfonso Cusi na kukunin muna sa national treasury ang pondo para ipatupad ang Murang Kuryente Act.

Sa ilalim ng nasabing bagong batas, maaaring mabawasan ng hanggang P200 ang bayarin sa kuryente ng mga konsyumer kada buwan.

Aabot sa P2.3 bilyon ang pondo para sa taong 2020 ng DOE at sinabi ni Cusi na ang malaking bahagi nito ay para sa implementasyon ng electrification program.

Target ng nasabing programa na maserbisyuhan na ang mga malalayong lugar sa bansa na hindi pa naaabot o kapos ang suplay ng kuryente.

TAGS: bill, House of Representatives, Meralco, Murang Kuryente Act, bill, House of Representatives, Meralco, Murang Kuryente Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.