Oscar winning actress na si Viola Davis gaganap bilang Michell Obama

Nakatakdang gumanap bilang dating First Lady Michelle Obama ang Oscar winning actress na si Viola Davis.

Ayon sa ulat, gagawin ni Davis ang mini-series na “First Ladies” sa Showtime kung saan itatampok ang buhay ng mga naging unang ginang sa Amerika.

Kabilang sa itatampok sa serye ang personal na buhay ng mga kilalang First Lady gaya nina Eleanor Roosevelt, Betty Ford at si Michell Obama.

Ang nasabing proyekto ay sa ilalim ng production company ni Davis at ng kanyang partner na si Julius Tennon na JuVee Productions.

Si Davis ay nagwagi bilang Best Supporting Actress sa Oscar noong 2017 para sa pelikulang Fences.

Read more...