Bagyong Jenny lumakas pa isa nang tropical storm; signal #2 itinaas sa tatlong lalawigan sa Luzon
Lumakas pa ang bagyong Jenny at ngayon ay nasa tropical storm category na.
Huling namataan ang bagyo sa layong 360 kilometers East Northeast ng Daet, Camarines Norte o sa 490 kilometers East ng Infanta, Quezon.
Ayon sa PAGASA, taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa
65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Itinaas na ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal number 2 sa:
• Isabela
• Aurora
• Quirino
Tropical cyclone wind signal number 1 naman sa:
• Cagayan
• Nueva Vizcaya
• Apayao
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Zambales
• Bataan
• Pampanga
• Bulacan
• Metro Manila
• Rizal
• northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands
• Cavite
• Laguna
• Camarines Norte
• northeastern portion ng Camarines Sur
• at Catanduanes
Ang bagyo ay inaasahang tatami sa kalupaan ng Aurora mamayang gabi o bukas ng umaga.
Nagdudulot na ito ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Samar Provinces, Quezon, Rizal, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan.
Habang mahina hanggang katamtaman at paminsang malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, at sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Bangsamoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.