Dalawang suspek sa ilegal na droga patay sa engkwentro sa Batangas

Police banner
Dalawang drug suspect ang napatay sa engkwentro sa mga otoridad sa Batangas City.

Ayon sa ulat ng Batangas police, nagkasa ng buy bust ang mga pulis laban sa mga suspek na sina Melanio Matanguihan at Abdul Wahid.

Sakay ang dalawa ng Honda Jazz na kotse dakong alas 11:45 ng gabi ng Lunes, Aug. 26 sa Barangay 20.

Habang nagsasagawa ng transaksyon, bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at itinutok sa poseur buyer matapos mahalatang peke ang perang iniabot nito sa kaniya.

Pero nagawa ng undercover police officer na maitulak ang baril ng suspek.

Doon na nauwi sa habulan at barilan ang insidente na ikinasawi ng dalawang suspek.

Ayon sa Batangas City Police, nakuha sa dalawa ang 10 sachets ng hinihinalang shabu na aabot sa P6.8 million ang halaga, P1.4 million na “boodle money”, dalawang kalibre .45 na baril at ang sasakyan ng mga suspek.

Read more...