Mataas na opisyal ng CPP-NPA naaresto sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2019 - 10:48 AM

Naaresto ng mga otoridad ang isang mataas na lider ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Quezon City.

Ang suspek ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at mga sundalo sa Cubao.

Kinilala ang suspek na si Esterlita Suaybaguio na naaresto sa Escalades Condominium sa Cubao sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng QC Regional Trial Court Branch 89.

Dinakip si Suaybaguio, Lunes (Aug. 26) ng gabi.

Nakuhanan siya ng 9MM na baril, isang granada at mga dokumento.

Una rito, ibinahagi ng Kabataan Paty-list sa kanilang Facebook page ang pagdakip kay Suaybaguio.

Ayon sa Kabayaan Party-list, gawa-gawa lamang ang isinampang kasong murder laban kay Siaybaguio.

Tinaniman din umano ng pampasabog at mga armas ang kaniyang gamit nang siya ay madakip.

TAGS: CPP, Cubao, NPA, npa leader, CPP, Cubao, NPA, npa leader

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.