Ilan lang sa mga kinumpiska at inalis na sagabal ay kariton, bakal, bakod, tarapal at kahoy na pinagsisilungan o taguan ng mga personal na bagay.
Hindi rin pinalagpas ang mga kariton ng sorbetes, bisikleta at pedicabs at isinampa o hinila ang mga ito ng mga towing trucks.
Ayon kay MMDA Task Force Commander Memel Roxas, layon nila na malinis sa lahat ng uri ng mga sagabal para mapaluwag ang daloy ng trapiko at madaanan ng mga tao ang bangketa.
Tatlong barangay sa Baseco ang tinarget ng MMDA na linisin ngayong araw.
Hindi naman na pumapalag ang mga may ari ng mga kinukumpiskang gamit dahil may kasamang mga pulis-Maynila ang nagsasagawa ng clearing operations.