Baseco sa Tondo sinusuyod ng MMDA para alisin mga sagabal sa bangketa at kalsada

By Jan Escosio August 27, 2019 - 10:28 AM

Maagang nagsimula ang mga tauhan ng MMDA sa kanilang clearing operations sa Baseco sa Tondo, Maynila.

Ilan lang sa mga kinumpiska at inalis na sagabal ay kariton, bakal, bakod, tarapal at kahoy na pinagsisilungan o taguan ng mga personal na bagay.

Hindi rin pinalagpas ang mga kariton ng sorbetes, bisikleta at pedicabs at isinampa o hinila ang mga ito ng mga towing trucks.

Ayon kay MMDA Task Force Commander Memel Roxas, layon nila na malinis sa lahat ng uri ng mga sagabal para mapaluwag ang daloy ng trapiko at madaanan ng mga tao ang bangketa.

Tatlong barangay sa Baseco ang tinarget ng MMDA na linisin ngayong araw.

Hindi naman na pumapalag ang mga may ari ng mga kinukumpiskang gamit dahil may kasamang mga pulis-Maynila ang nagsasagawa ng clearing operations.

TAGS: Baseco, clearing operations, manila, mmda, Tondo, Baseco, clearing operations, manila, mmda, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.