50-anyos na lalaki patay makaraang mag-amok sa Sogod, Cebu

By Jimmy Tamayo August 27, 2019 - 10:21 AM

Patay ang isang 50-anyos na lalaki matapos mag-wala dahil sa labis na kalasingan sa Sogod, Cebu Lunes (Aug. 27) ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Eleasar Canete, 50 anyos na napatay ng mga rumespondeng pulis.

Bandang alas-8:00 ng gabi ng makatanggap ng reklamo ang pulisya mula sa mga residente sa Barangay Nahus-an kaugnay ng nagwawalang lalaki na may hawak ng granada at isang revolver.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at pagdating sa lugar ay pinakiusapan ang suspek na bitawan ang kanyang armas pero tumanggi ito dahilan para mabaril siya ng mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

TAGS: cebu, Sogod, cebu, Sogod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.