Dwight Howard pumirma ng kontrata sa L.A. Lakers

By Jimmy Tamayo August 27, 2019 - 09:52 AM

Nagbalik sa Los Angeles Lakers ang eight-time NBA All-Star at ang first overall draft pick noong 2004 na si Dwight Howard.

Kinumpirma ni Lakers general Manager Rob Pelinka ang pagpirma ng kontrata ni Howard bagamat hindi nagbigay ng detalye sa kasunduan.

Ayon sa ulat, pumayag ang player na isurender ang $2.6 milyon mula sa $5.6 milyon na salary para sa “buy out” ng kanyang kontrata sa Memphies Grizzles.

Tinawag ang kasunduan ni Howard sa Lakers bilang “summer contract” kung saan babayaran umano ang player ng $14,490 kada araw na maglalaro siya sa koponan na magsisimula sa October 21.

May nakapaloob din umanong probisyon sa kontrata kung saan nakasaad na nasa $6,000 lang ang sasagutin ng team sa panahon na makararanas ng “injury” ang player.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na maglalaro si Howard sa Lakers at ika-limang bese nang paglipat ng koponan sa loob ng limang taon.

TAGS: Dwight Howard, la lakers, NBA, Dwight Howard, la lakers, NBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.